Roy Wilkins

Si Roy Wilkins noong 1968.

Si Roy Wilkins (Agosto 30, 1901Setyembre 9, 1981) [1] Naka-arkibo 2013-11-12 sa Wayback Machine. ay isang kilalang aktibista para sa mga karapatang sibil sa Estados Unidos mula mga 1930 hanggang mga 1970. Masigla siyang nakilahok sa Pambansang Samahan para sa Pagsulong ng mga May-kulay ng Tao (National Association for the Advancement of Colored People, NAACP). Isa siyang katulong na kalihim ng NAACP sa pagitan ng 1931 at 1934 sa ilalim ni Walter Francis White. Nang lisanin ni W. E. B. Du Bois ang organisasyon noong 1934, pinalitan siya ni Wilkins bilang patnugot ng babasahing Crisis, ang opisyal na magasin ng NAACP. Noong 2002, isinama si Wilkins ng iskolar na si Molefi Kete Asante sa kanyang talaan ng 100 Pinakadakilang mga Aprikanong Amerikano.[1]

  1. Asante, Molefi Kete (2002). 100 Greatest African Americans: A Biographical Encyclopedia. Amherst, New York. Prometheus Books. ISBN 1-57392-963-8.

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search